Ang huling panalo ni Manny Pacquiao laban kay Ricky Hatton ay isang pangyayaring nakaukit sa kasaysayan ng isports na napakahirap burahin. Ngunit, sa kabila ng sunod-sunod na panalo ni Manny Pacquiao, tila hindi natututo ang kanyang mga prospective opponents sa “sekreto” ng Pinoy Icon. Kanina lamang habang niri-review ng may-akda ang huling labang ito, kampanteng-kampante ang coach ni Pacquiao sa panalo nito laban kay Hatton. Wika ng coach ni Pacman ilang buwan nya ng pinagmamasdan ang laban ni Hatton, wala pa rin s’yang nakitang pagbabago sa mga pamamaraan nito sa pakikipaglaban. Wala s’yang kakayanang magpalit ng taktika dagdag pa ng Coach. Ang pagbabago at pagpapalit ng taktika sa pakikipaglaban ang walang dudang susi ng tagumpay ni Pacquiao sa larangan ng isports na boksing.
Ang sekreto ng pagbabago ng mga pamamaraan ay inaring napakamahalaga sa anumang bagay na may kinalaman sa pakikibaka. Ang mga mandirigma sa lumipas na tatlong libong taon ay laging may mga bagong bagay na hindi napaghandaan ng mga kaaway. Maniniwala ba ang tagabasa na karamihan sa mga significant na pagbabago ng pag-usad ng mga teknolohiya ay bunga ng pakikibakang militar? Noong pinalipad ng mga Ruso ang kaunaunahang satellite sa buong mundo, nagkaroon ng pangamba ang America sa isang nuclear attack na pwedeng mangyari anumang oras, ito'y isa sa mga naghatid ng pagsisimula ng internet sa layuning mapigilan ang pagkasira ng mga mahahalagang impormasyong taglay ng mga siyentipiko sakali mang ito'y mangyari. Ang militar ng mga dambuhalang mga bansa ay handang tanggapin at pag-ibayuhin ang anumang bagay na makapagbigay sa kanila ng lamang laban sa mga kaaway.
Kung papapansinin natin, hindi lamang pakikipagtunggaling sandatahan meron sa pakikipagbaka. May mga suliraning internasyonal na kinakaharap ang Nagkakaisang mga Bansa(UN) at ang pinakamabigat na kinakaharap ay hindi ang usaping militar, kundi ang may kinalaman sa Economic Crisis. Ang kasalukoyang World Crisis ay usaping pang-ekonomiya. May mga estratehiyang binuo upang labanan ang suliraning ito. Ang mga estratehiya ay napatunayang mabisa sa mga bansang madaling tumanggap ng mga makabagong mga pamamaraan. Ang mga bansang ito ay karaniwang matatagpuan sa mga mauunlad na mga bansa (First World Countries). Ang mga bansang karamihan ay matagal tumanggap ng mga pagbabago ay y'ong mga kabilang sa Third World Countries. Isa na rito ang Pilipinas.
Kung susuriin, hindi salat sa karunongan ang bansang Pilipinas pagdating sa Teknolohiya. Pagkatapos ng WWII, isa ang bansa natin sa pinagsagawaan ng research ng mga Hapon para sa ikagagaling ng kanilang Bansa. Gano'n din ang Pakistan pagdating sa teknolohiya ng pagtatanim ng palay. Ang International Rice Research Institute(IRRI) ay nasa bakuran na mismo ng Pilipinas, nguni't marami pa ring Pinoy ang nagugutuman dahil sa kawalan ng supply ng bigas.Ang Department of Science and Technology(DOST) ay nag-uumapaw sa kaalamang makapaghahatid ng lunas sa problemang kahirapan kung ito lamang ay tangkilikin.
Kapanayam ng may akdang ito ang isa sa mga Staff ng Provincial Science Center ng DOST sa Calapan City. Sila ay hindi nagkukulang sa pagbibigay ng impormasyon sa mga LGU's. Magpapakilala na nga ng mga makabagong impormasyong teknikal, pinagtutulakan pa kung kani-kaninong Opisina ang pagtanggap ng impormasyon.
Kapa'g hindi ituturing ng Pamahalaang Local bilang isang pakikibaka ang paghahatid ng pangkabuhayan sa mga mamamayan nito, hindi magpuporsige ang LGU na ihatid ang mga makabagong karunongan sa sariling mga mamamayan. Nang sa gano'n ay mailigtas sila sa ganap na kahirapan.
Iilan sa mga pangunahing programa ng Responsibong Gobyerno ng Mamamayan (RGM) ay ang maihatid ang mga oportunidad tulad ng sa Livelihood at Employment. Kung kaya't ang Administrasyon ng Punumbayang Romar G. Marcos ay pursigidong maihatid sa mga Naujeňo ang mga makabagong kaalaman sa industriya at pagsasaka na napatunayang subok at mabisang makapag-aangat ng antas ng kabuhayan.