Wednesday, November 06, 2013

WARNING: MINDORO Direct Hit ng Bagyong Yolanda

Direktang tatamaan ang Isla ng Mindoro ng bagyong Yolanda na kilala sa international name na Haiyan. Ito'y may lakas na maaring umabot sa signal #4 sa mga lugar na dadaanan nito.



Ang super typhoon ay papasok ng Samar-Leyte provinces sa Biyernes ng hapon (Novemer 8, 2013) at magdamag na babagtas ng Kabisayaan hanggang sa makalabas ng Mindoro. 

Kasalukuyang wind speed nito ay nasa 150 KPH at inaasahang aabot sa 240 KPH. Ito ay gumagalaw ng 30 KPH.

Binababalaan ang lahat ng mga taga-Naujan na naninirahan sa mga landslide-prone at flood-prone areas katulad ng tabi ng ilog at mga malalapit sa bangin na magsilikas na bago pa sumapit ang araw ng Biyernes.

Ang lahat ng mga mahahalagang ari-arian, mga hayop at mga kagamitan ay dapat ng ilagay sa ligtas na lugar at huwag ng hintaying dumating muna ang bagyo bago umaksyon.

Maghanda ng mga gamit sa panahon ng kalamidad kagaya ng flashlight, transistor radio, mga pagkain, thermose at iba pang mga kinakailangan sa panahon ng emergency.

Huwag kalimutang manalangin para sa kaligtasan ng lahat.

Reference: PAGASA & Accuweather.com

2 comments:

  1. marami bang nasira na ariarian ang mga taga naujan?bakit hindi nag file ng state of calamity ang bayan ng naujan????

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakapag-declare po ng state of calamity ang Naujan.

      Delete

Post Your Feedback