Read English version here: Reasons of Frequent Brownout in Oriental Mindoro
"Wala nang brown-out mamayang gabi, nakailang brownout na kanina." Madalas marinig ito sa mga gumagamit ng kuryente sa Naujan, Oriental Mindoro.
"Wala nang brown-out mamayang gabi, nakailang brownout na kanina." Madalas marinig ito sa mga gumagamit ng kuryente sa Naujan, Oriental Mindoro.
Maraming nagtatanong, "Bakit ganun kadalas ang brownout?" Oo nga, mahirap maiwasang may maririndi sa 2-3 o higit pang power interruption sa isang araw. Sinira ng palagiang brownout ang CPU ng desktop computer ko sa bahay; giniba nito ang UPS ko sa opisina kaya't 2 araw akong walang nagamit na computer sa aking paper works. Ang aircon namin sa office, nakailang beses ng inayus dulot ng palagiang brownout.
Walang katapusan ang mga reklamo kung talagang pakikinggan lahat. Pero, teka. Bago natin sisisihin ang ORMECO sa lahat ng mga power interruptions, tingnan muna natin ang mga kadahilan sa panig nila kung bakit.
Narito ang ulat sa mga kadahilan nila sa palagiang brownout sa Oriental Mindoro. Nakatala sa 2013 unang isyu ng Tanglaw, opisyal na pahayagan ng ORMECO.
Sa pahinang 4, nakaulat na ang shortage sa kuryente ay dahilan sa:
1-Paghina ng daloy ng tubig na nagpapatakbo sa dalawang mini-hydroelectric power plant.
2-Ang pagkasira ng isang makina ng Global Power Holdings (GPH).
3-Pagsasagawa ng preventive maintenance ng iba pang mga plantang pinagkukunan ng kuryente.
4-Ang patuloy na pagtaas ng demand o pangangailangan sa kuryente dahil sa sobrang init ng panahon o pagpasok ng summer season.
Sabi nila na ang Rotational Brownout ay maaring tatagal hanggang Hunyo. Ipinaliwanag nila na ang ibang probinsya ay nakararanas din ng katulad na problema na tumatagal ng halos 8 oras katulad na lamang ng mga nasa Mindanao.
No comments:
Post a Comment
Post Your Feedback